"We are a community of disciples inspired by the Holy Spirit to be living witnesses for transformation in Christ to bring about a world of justice, human development and true peace."
Word Sharing Circle (WSC) Reflection Guide
November 8, 2026 (Cycle A, Year II) – 32nd Sunday in Ordinary Time
Community Word: We are called to a life of love and holiness as we hope for the coming of Christ our King.
Theme: We hope for the coming of Christ our King as we seek His wisdom with steadfast vigilance.
Promise: “We who are alive…shall always be with the Lord.” (1 Thes 4:17)
Reflection
As we approach the end of the liturgical year, the Church reminds us to look beyond our present concerns and fix our hearts on the coming of Christ our King. The theme, “We hope for the coming of Christ our King as we seek His wisdom with steadfast vigilance,” invites us to examine how we are preparing ourselves to meet the Lord. Our Christian life is not simply about waiting for His return, but about living each day in faith, love, and holiness.
In the Gospel, Jesus clearly reminds us: “Therefore, stay awake, for you know neither the day nor the hour.” The oil in the lamps of the ten virgins reminds us that spiritual readiness cannot be borrowed from others or prepared at the last minute. Each of us must personally nurture our relationship with God. It is through daily prayer, reflection on His Word, participation in the sacraments, and faithful obedience to His teachings that we keep the light of Christ burning in our hearts. These spiritual practices are not merely religious obligations; they strengthen our faith and help us remain steadfast, especially when we face difficulties, uncertainties, and distractions.
The first reading from Wisdom tells us that wisdom is readily found by those who sincerely seek her. God's wisdom teaches us to discern what truly matters and to make choices that lead us closer to Him. In a world that often values material success, comfort, and immediate gratification, we need the wisdom of the Holy Spirit to keep our priorities right and our hearts focused on eternal life.
As members of BLD, we are called to be wise and faithful stewards of the gifts God has entrusted to us. Our covenant commitment challenges us to remain vigilant in our personal holiness, loving relationships, and service to the community. We must not allow routine, complacency, or worldly concerns to weaken our faith. Instead, let us encourage one another to persevere, serve with love, and become living witnesses of Christ's presence.
Our hope in Christ is not a passive expectation but a confident trust in His promise. Whatever challenges we encounter, we can face the future with courage because our ultimate destiny is to be with Him. Let us therefore keep our lamps burning through a life of prayer, faith, and loving service, always ready to welcome our Lord and King. As St. Paul assures us, “We who are alive…shall always be with the Lord.” (1 Thes 4:17)
Prayer
Heavenly Father, grant us the wisdom to recognize Your presence and the grace to remain faithful and vigilant as we await the coming of Your Son. Keep our hearts burning with faith, hope, and love. May we never become complacent or distracted by the things of this world, but persevere in prayer, holiness, and loving service. Strengthen us as a community to encourage one another and to live as faithful witnesses of Christ. May we always be ready to welcome Him, trusting in Your promise of eternal life. Through Christ our Lord. Amen.
Reflection Guide Questions
1. What areas of my spiritual life need greater attention so that my lamp will remain burning as I await the Lord?
2. How can I help my BLD brothers and sisters remain faithful and vigilant in living our covenant commitment?
This Week’s Daily Mass Reading Guide:
November 8, 2026 (Sun) – Wis 6:12-16/ Ps 63:2, 3-4, 5-6, 7-8/1 Thes 4:13-18/ Mt 25:1-13
November 9, 2026 (Mon) – Ezk 47:1-2, 8-9, 12/Ps 46:2-3, 5-6, 8-9/1Cor 3:9c-11, 16-17/Jn 2:13-22
November 10, 2026 (Tues) – Tit 2:1-8, 11-14/ Ps 37:3-4, 18, 23, 27, 29/ Lk 17:7-10
November 11, 2026 (Wed) – Tit 3:1-7/ Ps 1b-3a, 3bc-4, 5, 6/ Lk 17:11-19
November 12, 2026 (Thurs) – Phlm 7-20/ Ps 146:7, 8-9a, 9bc-10/ Lk 17:20-25
November 13, 2026 (Fri) – 2 Jn 4-9/ Ps 119:1, 2, 10, 11, 17, 18/ Lk 17:26-37
November 14, 2026 (Sat) – 3 Jn 5-8/ Ps 112:1-2, 3-4, 5-6/ Lk 18:1-8
“Ignorance of the Bible is ignorance of Christ. Read your Bible daily!”
Tagalog Version
-----------------
Gabay sa Pagninilay para sa Word Sharing Circle (WSC)
Nobyembre 8, 2026 (Siklo A, Taon II) – Ika-32 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Salita para sa Komunidad: Tinatawag tayo sa buhay ng pag-ibig at kabanalan habang umaasa sa muling pagbabalik ni Kristong ating Hari.
Tema: Inaasahan natin ang pagbabalik ni Kristo, ating Hari, habang ating hinahangad ang Kanyang karunungan ng may matatag na pagbabantay.
Pangako: “Tayo namang mga buháy pa…makakapiling natin siya magpakailanman.” (1 Tes 4:17)
Pagninilay
Habang papalapit tayo sa pagtatapos ng taon liturhiko, pinaaalalahanan tayo ng Simbahan na huwag lamang ituon ang ating pansin sa mga pang-araw-araw na alalahanin kundi ihanda ang ating puso sa pagbabalik ni Kristong ating Hari. Inaanyayahan tayo ng temang ito na suriin kung paano natin inihahanda ang ating sarili sa pagharap sa Panginoon. Ang buhay Kristiyano ay hindi basta paghihintay sa Kanyang pagbabalik. Ito ay ang pamumuhay araw-araw nang may pananampalataya, pag-ibig, at kabanalan.
Sa Ebanghelyo, malinaw ang paalala ni Hesus: “Kaya't maging handa kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras.” (Mt 25:13). Sa talinghaga ng sampung dalaga, ang langis sa kanilang mga ilawan ay sumisimbolo sa ating paghahanda sa pagdating ng Panginoon. Hindi natin maaaring hiramin ang pananampalataya ng iba o maghintay hanggang sa huling sandali bago tayo maghanda. Bawat isa sa atin ay may pananagutang alagaan ang sariling ugnayan sa Diyos.
Sa pamamagitan ng araw-araw na panalangin, pagbabasa at pagsasabuhay ng Salita ng Diyos, pagtanggap sa mga sakramento, at pagsunod sa Kanyang kalooban, napapanatili nating nagniningas ang liwanag ni Kristo sa ating puso. Hindi lamang ito mga gawaing panrelihiyon kundi mga paraan upang patatagin ang ating pananampalataya, lalo na sa panahon ng pagsubok, kawalan ng katiyakan, at maraming tukso o pang-abala.
Itinuturo naman sa unang pagbasa na madaling matagpuan ang karunungan ng Diyos ng mga taong taos-pusong naghahanap nito. Tinutulungan tayo ng Kanyang karunungan na makilala kung ano ang tunay na mahalaga at gumawa ng mga desisyong maglalapit sa atin sa Kanya. Sa mundong labis na nagpapahalaga sa kayamanan, kaginhawahan, at pansariling kasiyahan, kailangan natin ang patnubay ng Espiritu Santo upang manatiling tama ang ating mga prayoridad at nakatuon ang ating puso sa buhay na walang hanggan.
Bilang mga kasapi ng BLD, tinatawag tayong maging mabuti at tapat na katiwala ng mga biyayang ipinagkatiwala sa atin ng Diyos. Hinahamon tayo ng ating tipan na manatiling matatag sa kabanalan, pagmamahalan, at paglilingkod sa komunidad. Huwag nating hayaang pahinain ng nakasanayang gawain, pagiging kampante, o mga alalahanin ng mundo ang ating pananampalataya. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa na magpatuloy sa pananampalataya at maglingkod nang may pagmamahal, bilang buhay na saksi sa presensya ni Kristo.
Ang ating pag-asa kay Kristo ay hindi basta paghihintay kundi matatag na pagtitiwala sa Kanyang pangako. Anuman ang mga pagsubok na dumating, maaari tayong humarap sa kinabukasan nang may lakas ng loob dahil ang ating tunay na hantungan ay ang makapiling Siya. Kaya't panatilihin nating nagliliyab ang ating mga ilawan sa pamamagitan ng panalangin, pananampalataya, at mapagmahal na paglilingkod, upang lagi tayong maging handa sa pagsalubong sa ating Panginoon at Hari. Tulad ng pangako ni San Pablo, “Tayo namang mga buháy pa…ay makakasama niya magpakailanman.” (1 Tes 4:17)
Panalangin
Ama naming Diyos, pagkalooban Mo kami ng karunungan at biyayang manatiling tapat at handa sa pagbabalik ni Hesus. Panatilihin Mong nag-aalab ang aming puso sa pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig. Tulungan Mo kaming magpatuloy sa panalangin, kabanalan, at mapagmahal na paglilingkod. Patatagin Mo ang aming komunidad upang magtulungan at maging tapat na saksi ni Kristo. Nawa'y lagi kaming maging handa sa pagsalubong sa Kanya. Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Mga Gabay na Tanong
1. Ano ang kailangan kong baguhin o pagbutihin sa aking buhay espirituwal upang manatiling handa sa pagdating ng Panginoon?
2. Paano ko matutulungan ang aking mga kapatid sa BLD na maging tapat sa ating tipan?
Weekly: Theme, Promise, Order, Direction and Prophesies (bldworld.org)
BLD Camden © 2013 (Admin POC: admin@bldcamden.org) | Privacy Policy * Disclaimer (Website done by Alex Santos)